Halimaw sa Makati



August 20, 2009 - Gumising ako ng maaga para sa pagpasok, exam kasi, medyo tuliro pa dahil sa review. Exactly 7am umalis na ako ng bahay, yun naman ang regular time ko talaga. Masaya na sana ang araw ko dahil madali akong nakasakay ng jeep doon sa terminal. Pero ang nakadisappoint sa akin ang bagal ng traffic paglabas sa may sevice road. Tuwing umaga kasi, doon ako sumasakay papuntang LRT-Edsa. Hinayaan ko na l ang siya, baka kako hanggang Tesda lang ang traffic, medyo malapit na ako. Pero woooow, pagkalampas ko ng Tesda, heto parin. Pero sige, baka hanggang Gate-3 Fort Bonifacio lang.


Oh my God, OMG! nalang, Nakapasok na kami ng Magallanes- dulo ng SLEX, traffic parin. Wala akong magagawa baka may nasiraan lang. Kaya nag-review nalang ako habang nasa jeep.

What the Hell, WTH nalang. Alam niyo ba kung bakit sobrang haba ng traffic? May mga halimaw palang nag-babantay dito sa may kanto papasok sa "NAPAKAGANDA AT NAPAKA-UNLAD NA MAKATI".

Mga Halimaw na nakakulay dilaw ba yun o orange. Ginagawa nila, nanhhuhuli lang naman ng mga kawawa nating mga tsuper ng jeep. Buti nalang kamo itong si Manong na driver ng jeep na sinasakyan ko, KINUHA LANG NAMAN ANG SIGNAGE NIYA NA PASAY ROTONDA/LRT/MRT". Wow, great yung kumuha ha, pinara niya yung jeep tapos basta nalang hinablot yung signage ng walang tanong-tanong. sINO BA ANG NAG-PAPASWELDO SA KANILA? SI BINAY O ANG TAONG BAYAN? kawawa naman si Manong, makikita mo sa kanya parang hindi pa natutulog makapamasada lang, binabayaran din naman yung signage eh. Panu siya ngayon, panu malalaman ng tao ang ruta niya? magtatawag? gayung halos wala na nga siyang boses, pagod na pagod na.


MGA HALIMAW!!!

Baka hindi niyo napag-aralan ang Constitution ng Pilipinas, paki-basa naman ang ARTICLE XI. O baka hindi niyo inabutang basahin yan kasi hindi naituro sa inyo. O baka naman MAY SARILING CONSTITUTION ANG MAKATI!!!

Hindi lang pala dito sa may Magallanes meron niyan, meron din sa may Kalayaan.

MAYOR BINAY, ALAM MO BANG ISANG ORAS ANG LATE KO DAHIL SA MGA GALAMAY MONG HALIMAW????

Sa mga motorista sana lagi niyong daanan ang napakunlad nating Makati, (paano kaya kung tanggalin sa Makati ang MBC Makati Business Club at palitan siya ng TBC Taguig Business Club?)


Ganito Kami sa Makati Noon!!!

Paano na Kami Ngayon???

No comments:

Post a Comment