Noynoy Pakitang Mar nga lang ba?
Araw-araw naman nating naririnig at nababasa ang balita tungkol sa paglaglag ni Noynoy ng pwesto sa DILG kay Vice-president elect Jejomar Binay. Hindi nga makukuha ni Binay ang posisyon sa nasabing kawanihan. Ngunit ang tanong ng madami ay bakit?
Una, malaki ang impluwensiya ng pagiging DILG secretary sa mga lokal na opisyal ng bansa. Dahil dito, kung maiitalaga si Binay sa pwesto, maaaring magamit niya ang kapangyarihan upang mag-ipon ng kakampi para sa susunod na halalang pambansa. Ito ang ikinatatakot marahil ng kampo ni Noynoy na kung saan, ang kanilang pambato na si Mr. Palengke ay nangangarap na tumakbo sa pagka-presidente sa 2016. Kung magkakaganun, malaking kawalan para sa Liberal Party kung makakakuha ng suporta ang kampo ni Binay.
Pangalawa, pakitang tao. Nagpapakitang tao nga lang ba si Noynoy na ayaw niya kay Binay? Para nga naman hindi sumama' ang loob ni Mar. Kung magiging magkasundo kasi sina Noy at Binay, isang malaking bwelta at patutsada ang gagawin nitong si Mar. Nakz. ang gulo ng pulitika.....
Binay is the elected Vice-president of this country, he has the right to lead our country next to Noynoy.,. there.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment