My Kontrabida Girl - A Big Flop Movie

Mukhang nagkamali na naman ang GMA7 sa timing ng pagpapalabas ng My Kontrabida Girl, ang pelikulang pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos. Ayon sa mga balita sa pahayagan, isang malaking flop daw ang nasabing pelikula at wala pa halos isang linggo ito sa mga sinehan, pinupull out na dahil sa walang nanonood.

Isa marahil sa naging dahilan nito ay ang pakikipagtapat sa indie film na Corazon, ang unang aswang na pinagbibidahan naman nina Derek Ramsey at Erich Gonzales. Matatandaang galing sa dalawang hit na pelikula si Derek ang Praybeyt Benjamin at No Other Woman na talaga namang tumabo sa takilya.

Isa pang naging dahilan ng pagka-flop ng MKG ay ang naging issue nitong si Rhian Ramos kay Mo Twister.

No comments:

Post a Comment